Martes, Mayo 31, 2016

Limampung (50) Taktikal na Opensiba inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan sa Kabikolan!

Sa unang kwarto ng taong 2016 (Enero-Marso), inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan ang mga matatagumpay na taktikal na opensiba sa rehiyong Bikol. Layon ng mga atakeng ito na bigyang-diin ang kahalagahan ng armadong pakikibaka lalo na sa panahon ng eleksyon. Nais nating muling pagtibayin at palaganapin ang saligang prinsipyo na ang hinahangad ng bayan na panlipunang pagbabago na matatamo lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pakikibaka, pangunahin sa anyo ng armadong rebolusyonaryong pakikibaka na sinusuhayan ng malawak na demokratikong pakikibakang masa. Buhos ang pondo ng 4P’s sa pamamagitan ng People Power Volunteer for Reform habang pinatindi ang mararahas na atakeng militar sa dati nang dinarahas ng mamamayan sa kanayunan.
Sa sumadang ulat ng panrehiyong kumand -- Romulo Jallores Command (RJC) --  umaabot sa limampu (50) ang mga taktikal na opensiba kasama na ang mga depensibang naging Opensibang labanan na hinarap ng iba’t-ibang yunit at kumand ng BHB sa buong rehiyon.


Para sa buwan ng Enero 2016:


Enero 01, 2016 – nagsagawa ng operasyong kubkob ang 83rd Infantry Batallion bago magtapos ang kanilang unilateral ceasefire laban sa Tomas Pilapil Command sa baranggay Laki-laki, Goa, Camarines Sur. Dalawa ang sugatan sa panig ng kasama habang dalawang (2) patay naman sa panig ng kaaway. Nasamsam ng kaaway ang dalawang baril, bag at iba pang kagamitan ng mga kasama.

Enero 7, 2016 – Inilunsad ng Armando Catapia Command (ACC) ng Bagong Hukbong Bayan sa Camarines Norte ang operasyong isparo kay Ret. Sgt Emen Sarzuela sa Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte dahil sa pagiging aktibo sa gawaing intel sa kabila na retirado na ito sa kanyang tungkulin.

Enero 7, 2016 – dinis-armahan ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Edmundo Jacob Command (EJC) ang isang tropa ng CAFGU sa Brgy. Patitinan, bayan ng Sangay
probinsya ng Camarines Sur. Nakumpiska ang isang cal. 38 at isang shotgun na ginagamit sa pananakot at pang-aabuso.

Enero 24, 2016 – isinagawa ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Nerissa San Juan Command ang opensibang haras laban sa PNP Public Safety Company (PPSC). Malapitang napokusan ng mga kasama ang detatsment at binultuhan agad ng mga putok ang kaaway na katatapos palang sa kanilang inuman at bidyoke sa loob ng kanilang malaking detatsment sa Brgy. Tubli, Caramoran, Cataduanes. Sampu (10) tropa ng PPSC ang patay sa nasabing opensiba.

Enero 26, 2016 – nagsagawa muli ng operasyon demo ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Nerissa San Juan Command. Pinasabugan ng command detonated explosives (cdx) ang patrol car ng PNP Public Safety Company na nasa boundery ng Brgy. Magsaysay, bayan ng Virac, Catanduanes.

Enero 27, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Celso Minguez Command sa Brgy. Villa, bayan ng Gubat, sa probinsya ng Sorsogon

Enero 29, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa Brgy. San Antonio, sa bayan ng Barcelona, sa probinsya ng Sorsogon.

Enero 30, 2016- nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Celso Minguez Command (CMC) sa Brgy. Bulacao, bayan ng Gubat, probinsya ng Sorsogon.

Enero 31- nagsagawa ng operasyong isnayp ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Jose Rapsing Command (JRC) laban sa Regional Public Safety Batallion. Isang putok lamang ang pinakawalan nang matyempuhan ang isa sa limang kolum na sabay-sabay na atake. Isa ang patay sa tropa ng RPSB sa Brgy. Villapudo, bayan ng Cataingan sa Probinsya ng Masbate

Para sa buwan ng Pebrero 2016:

Pebrero 3, 2016 – nagsagawa ng operasyong kubkob ang kaaway laban sa Edmundo Jacob Command habang nasa panahon ng pag-aaral sa ika-47 Anibersaryong Pahayag ng Partido sa baranggay Cayogkog bayan ng Bato sa Probinsya ng Camarines Sur. Nasawi ang dalawang kasamang sina Ka Chan at Ka Randy at nasamsam ng kaaway ang ilang baril. Sa kabila ng depensibang labanan magiting pa rin nakapanlaban ang mga kasama kung saan napatay din ang dalawang tropa mula sa panig ng 2nd Infantry Batallion Philippine Army.

Pebrero 4, 2016 – nagsagawa ng operasyon haras ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Santos Binamera Command (SBC) sa detatsment ng 22nd Infantry Batallion sa Brgy. Coyaoyao, Pio Duran, sa probinsya ng Albay.

Pebrero 8, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Tomas Pilapil Command sa detatsment ng 22nd Infantry Batallion, Philippine Army sa Brgy. Tabiguian, bayan ng Caramoan sa Probinsya ng Camarines Sur.

Pebrero 09,2016 – nagsagawa ng operasyong isparo ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Norben Gruta Command sa Brgy. San Isidro, bayan ng Libamanan probinsya ng Camarines Sur. Napatay si Sarhento Rodel Rala mula sa pinagsanib na Task Force 83rd IBPA at 93rd DRC-PA at isang Nieto Arias ng 22nd CAFGU ang sugatan na ikinamatay din pagsapit sa hospital.

Pebrero 10, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Edmundo Jacob Command sa kanilang detatsment sa Brgy. Cristo Rey, Bato, Camarines Sur.

Pebrero 12, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Edmundo Jacob Command sa detatsment ng 22nd Infantry Batallion sa Brgy. Payak, Bato, Camarines Sur.

Pebrero 13, 2016 – nagsagawa ng operasyong demo ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Edmundo Jacob Command (EJC) sa Brgy. Lubong, Bato, Camarines Sur laban sa 2nd IBPA habang naglalakad galing sa isinagawang operasyon sa lugar. Napatay ang dalawang tropa ng mga sundalo sa nasabing operasyong demo.

Pebrero 14, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Edmundo Jacob Command laban sa detatsment ng 22nd Infantry Batallion sa Brgy. Francia, Bula, Camarines Sur.

Pebrero 12, 2016 – naengkwentro ang mga kasama sa isang platun ng 31st Infantry Batallion sa Brgy. Bulacao, bayan ng Gubat, Sorsogon habang nagpapahinga sa isang bahay nang biglang dumating ang tropa ng kaaway naunahan ng putok ng mga kasama ang mga ito. Isa ang sugatan sa panig ng kaaway.

Pebrero 28, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang mga kasama sa Santos Binamera Command laban sa kaaway sa Baranggay Bascaran, Daraga, Albay

Pebrero 21, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Jose Rapsing Command laban sa kaaway na nasa kanilang detatsment
sa Brgy. Monreal, Isla ng TIcao, Masbate. Tumagal ng 20 minuto ang putukan, nasawi sa labanan ang Commanding Officer at isang sundalo ang nasugatan.

Pebrero 21, 2016 – tatlong magkakasabay na operasyong haras ang isinagawa ng tatlong tim ng mga yunit milisya ng Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Jose Rapsing Command sa baranggay na inokupa ng kaaway sa kanilang PDT Operation sa Brgy. Talisay,Buenavista, Altavista sa bayan ng San Fernando, sa isla ngTicao, Masbate

Pebrero 24, 2016- nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Tomas Pilapil Command sa headquarter ng Alpha Coy Company ng 83rd IBPA sa Brgy. Bikal bayan ng Caramoan, Camarines Sur. Matinding pamutok ang isinagot ng kaaway gamit M203.

Pebrero 26, 2016- nagsagawa ulit ng operasyon haras ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Tomas Pilapil Command (TPC) laban sa detatsment sa Brgy. Bataan, Tinambac , Camarines Sur.

Pebrero 24,2016 – nadepensiba ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Celso Minguez Command sa Brgy. Bentuco, Gubat, Sorsogon. Isa ang patay at dalawa sugatan sa panig ng kaaway habang nasugatan ang isang kasama sa nasabing labanan.

Pebrero 27, 2016 – nagsagawa ng operasyong isnayp ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Santos Binamera Command laban sa 22nd IBPA na nakapwesto sa kanilang bagong detatsment sa Daraga, Albay. Namatay si Sarhento Florenzo sa nasabing labanan.

Pebrero 28, 2016 – nagsagawa ng pamamarusa ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Edmundo Jacob Command kay Edgar Lauderis ‘ alyas puting ongos” na taga Brgy. Duran, bayan ng Balatan, Camarines Sur sa kasong pagpapakubkob noong Pebrero 3, 2016. Bago naganap ang aktwal na atake ng kaaway ilang ulit itong pabalik-balik sakay ng kabayo upang isagawa ang huling pagkuha ng impormasyon. Matapos ang nasabing labanan nasamsam ng kaaway ang pondong laan para sa proyektong patubig kaalinsabay biglang naging galante itong nagpapa-inom at dumami ang perang pamalengke.

Para sa buwan ng Marso 2016:

Marso 3, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Norben Gruta Command laban sa isang platun ng kaaway na naglalakad mula sa kanilang isinagawang operasyon sa Brgy. Tanag, bayan ng Libmanan, Camarines Sur.

Marso 3, 2016 – nagsagawa ng operasyong demo ang Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Jose Rapsing Command laban sa kaaway sa Brgy. Badjang, Cataingan, Masbate. Pinasabugan ng command detonated explosive ang sinasakyan ng Provincial Commander ng Masbate na si Col. Sampaga nang pauwi na ito galing sa isang aktibidad inaguasyon sa school building na ginagawa ng Engineering Batallion ng Philippine Army sa Brgy. Buenasuerte at Tanque sa bayan ng Pio V. Corpuz, Masbate. Nawasak ang kanilang bagong PNP mobile car, nalaglag sa kalsada ang dalawang patay, isa pa ang sugatan at bumagsak sa kanal ang sasakyan. Mabilis na iniharang sa haywey ang nakasunod na APC at iba pang trak ng kaaway at isinakay ang mga kaswalting kaaway kasabay ang kanilang opisyal.

Marso 4, 2016 – nagsagawa ng demo ang mga kasama sa ilalim ng Jose Rapsing Command sa sityo Breeding, Brgy. Acid, Masbate City. Pinasabugan ng command detonated explosive ang isang 6×6 na trak ng Philippine Army habang ito ay papauwi na sa kanilang Batallion Headquarters. Ayon sa mga saksi marami ang sugatan bagamat nakalayo ang nasabing trak bago nakahinto.

Marso 6, 2016 – nagsagawa uli ng operasyong demo ang mga kasama sa ilalim ng Jose Rapsing Command sa Brgy. Cabangcalan, bayan ng Placer – dalawang bomba ang naidikit sa dalawang (2) bahay na na ginamit ng kaaway na bumibilang sa 27-30 tauhan. Tinarget pangunahin ang bahay kung saan nag-iinuman ang mga tropa ng kaaway.

Marso 14, 2016 – isinagawa ang isang operasyong haras ng Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Norben Gruta Command (NGC) sa pamamagitan ng paghagis ng granada sa mga kasapi ng Philippine Army na umakupa sa Brgy. hall ng Salvacion, Pasacao, Camarines Sur. Nagresulta ito sa pagkakasugat ng tatlong (3) sundalo. Samantala sa kabilang building na kadikit ng Brgy. hall, kinakausap ang kapitan ng baryo ng isang opisyal ng sundalo nang biglang magtakbuhan ang mga sundalo. Nadaganan ang kapitan ng baryo sanhi nito nagasgas ang kanyang likod na tumama sa semento.

Marso 15, 2016 – naglunsad ng labing-dalawang (12) koordinado aksyon ang pangrehiyunal na kumand ng Bagong Bayan sa Bikol:

– ala-una ng umaga – isinagawa ang haras ng isang iskwad ng Jose Rapsing Kumand laban sa detatsment ng 1st platoon ng 22nd IB sa sitio Anapog Poblacion, District 2, Claveria sa Isla ng Burias, Masbate. Dinikitan ng isang command detonated explosive at pinuntariya ng 3 bala ng M203 kasabay ang paghagis ng bigas2 – matapos ang matinding palitan ng putok na tumagal ng 20 minuto, ligtas na umatras ang mga kasama.

– alas 4:45 ng umaga – pinasabog ang command detonated explosive sa Brgy. Malinta,Masbate city ng madiskobri ng clearing ang wire.

– alas-5:00 ng umaga – pinasabog ng command detonated explosives ang mga kaaway sa Brgy. Tunga, bayan ng Esperanza, Masbate.

– alas-7:00 ng umaga– pinasabog ang command detonated explosive sa Brgy. Badling, bayan ng Uson, Masbate.

– alas-7:20 ng umaga– pinasabugan ang mga kaaway sa Brgy. Banadero, sa bayan ng Mobo matapos ilang ulit na binalikbalikan ng clearing ang nasabing lugar.

– alas-8:48 ng umaga – inambus ang kaaway sa Brgy. Lagundi, bayan ng Batuan sa isla ng Ticao, Masbate. Nawasak ang kanilang bagong pnp mobil car lulan ang walong pinagsanib na elemento ng Regional Public Safety Batallion (RSPB) at PNP-Batuan na mga aktibo laban sa kilusan. Apat (4) na kasapi ng RPSB ang nasawi na mula sa augmentation force para sa eleksyon habang sugatan naman ang apat na pulis ng Batuan na sina Chief of Police Senior Inspector Aldren Rosales Altarijos, SPO1 Amado Albiola, PNP Officer Junjun Alidogan, PNP Officer Almodiel.

– alas-9:00 ng umaga – pinasabog ng mga kasama ng command detonated explosives sa boundery ng Brgy. Quezon at Brgy. Magsaysay sa bayan ng Uson

– alas-10:25 ng umaga – pinasabog ng mga kasama ng command detonated explosive ang mga kaaway sa Brgy. Bontolan, Uson, Masbate.

– alas-10:30 ng umaga – pinasabog ng mga kasama ng command detonated explosives ang aambusin na tropa ng kaaway na gumagawa ng bagong detatsmen sa sityo Public, Brgy. Poblacion 1 mismong sa sentro ng munisipyo ng Balud.

– alas-11:00 ng umaga – pinasabugan ng mga kasama ng command detonated explosives ang kaaway sa Brgy. Menio San Fernando na malapit mismo sa dalawang detatsment

– ala-2:00ng hapon – pinasabugan ng mga kasama ang kaaway sa sityo Lantawan, Brgy. Danao, bayan ng Batuan malapit sa sentro ng munisipyo para sana ambusin ang rerespondi sana sa naunang naambus na tropa subalit nakahalata kaya sa ibang direksyon na dumaan ang dalawang kolum ng kaaway.

– alas-5:00 ng hapon – pinasabugan ng mga kasama ng command detonated explosives ang mga kaaway sa Brgy. Mabatobato sa bayan ng Mandaon, Masbate.

Marso 19, 2016– nagsagawa ng operasyong haras-demo ang mga kasama sa Celso Minguez Command sa Brgy. Union, bayan ng Gubat, Sorsogon. Pinasabogan ng command detonated explosive ang tropa ng 31st Infantry Batallion Philippine Army. Napatay ang limang (5) kaaway at nasugatan ang tatlo (3)kaaway na kabilang sa 31st IBPA. Isa sa nasugatan ay nagngangalan na 2nd LT Jonathan.

Marso 20, 2016 – nagsagawa ng operasyong demo ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Armando Catapia Command (ACC) . Alas 8:30 ng umaga – nasapol ng paputukin ang command Detonated Explosive ang isang sasakyang militar habang papalabas galing sa loob ng kanilang Batallion Headquarter ng 49th IB sa Brgy. Mahawanhawan, Labo, Camarines Norte. Pito (7) ang nasugatan na sina Cpl Reynaldo Revira, Pfc Ricky Obena, Pfc Carlo Durisa, Pfc Urbano at tatlong babae na tinatawag nilang ‘military dependent; na sina Imelda Tayag, Hanna Durisa at Cate Caya.

Marso 21, 2016 – nadepensiba ang mga kasama sa Norben Gruta Command alas 5:30 ng hapon sa Brgy. Tible, Lupi, Camarines Sur. Tumagal ng 45 minuto labanan namatay sina ka Jack at Ka Hadjie nasamsam ang dalawang HPR habang namatayan din ng dalawang sundalo ang kaaway.


Marso 21, 2016 – nagsagawa ng operasyong haras at pinasabugan ng command detonated explosive ang detatsment ng 22nd IB sa Brgy. Pili-Tabiguian sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur.

Marso 22, 2016 – muling napaengkwentro ang mga kasama sa ilalim ng Norben Gruta Command sa Brgy. San Rafael, bayan ng Lupi, Camarines Sur – isang kasama ang sugatan at limang sugatan naman sa panig ng kaaway.

Marso 22 – na-engkwentro ang kasama sa tropa ng kaaway na pinagsamang yunit ng CIDG at tropa mula sa 9th IBPA na layunin sanang magsagawa ng operasyon kubkob laban sa mga kasama sa Brgy. Jangan,bayan ng Balud, Masbate. Pagdaong ng bangkang sinasakyan ng mga kaaway ay inuhan na ng magigiting na kasamang barilin ang tropa ng kaaway. Agad na namatay ang dalawang sundalo at nasugatan ang tumatayong commanding officer ng nasabing tropa ng kaaway.

Marso 22 , 2016 – Naparusahan si Lenlen Bellarin, taga Brgy. Tugoron, Monreal, Masbate dahil sa pagiging masugid na giya sa mga operasyon ng militar, pagtuturo ng kung sinu-sino na susing masa, yunit milisya daw at pagpapahayag ng mga gawa-gawang kwento laban sa kilusan sa mga pulung-pulong na inilunsad ng PDT/BTA. Layunin nitong wasakin ang mga nakatayong istruktura ng demokratikong gobyernong bayan sa isla ng Ticao sa msbate. Nataymingan itong lumabas mula sa detatsment upang ipalo-up ang kanilang asset sa katabing braranggay. Idinadaan nito sa pagpapainom ng alak at pakipag inuman upang kumuha ng impormasyon nang birahin ng kasama.

Maria Roja Banua
Tagapagsalita
NDF-Bicol

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento