Biyernes, Hulyo 12, 2013

Taas-kamaong Parangal kay Ka Greg Baňares at sa kanyang mga kasamahan

Nerissa San Juan Command
NPA-Catanduanes
12 Hulyo 2013

Isang taas-kamaong parangal ang ipinapaabot ng Nerissa San Juan Command sa walong kasamang namartir sa isang depensibang labanan sa Brgy Calmayon, Juban, Sorsogon nito lamang Hulyo 4.

Pinaparangalan namin ang inyong naging ambag sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan, Frankie Joe Soriano na mas kilala bilang si Ka Greg Baňares, ang tagapagsalita ng NDF-Bikol, at ng iyong kasamahan na sina Christine "Ka Abby" Puche, Ailyn "Ka Kevin" Calma, William "Jay" Valenzuela Jr, Romero "Ka Nene" Aňonuevo, David "Ka Rey" Llunar, Ted "Ka Gary" Palacio, at Pehing "Ka Miloy" Hipa. Hinding hindi mabubura ng malupit na pasistang atake sa inyo ang maningning na iniambag ng inyong pagkilos upang makamit ng mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan at demokrasya.

Dapat lamang na kundenahin ang hindi makataong pagpaslang sa inyo mga kasama. Dapat lamang na kamuhian ang berdugong 31st IB matapos kayong tadtarin ng bala at pasabugin ang mga bungo sa kabila ng kalagayang wala na kayong kakayahang lumaban. Ito ay isang malinaw na paglabag sa internsyunal na makataong batas at iba pang mga batas ng digma.

Hinding hindi malilimutan, Ka Greg, ang iyong tinig na sumasagot, naglilinaw at nagbibigay-pahayag hinggil sa samu't saring isyu laluna ang mg isyung may malapit na kabuluhan sa buhay at pakikibaka ng aping mamamayan. Kayo, mga kasama, ay mga makabagong bayani na ikinararangal naming makasama sa isang mapagpalayang kilusan noong kayo ay nabubuhay pa.

Sa kabila ng pighati at kalungkutan, mananatili kayong inspirasyon sa puso ng mga kasama at masang pinag-alayan ninyo ng buhay.

Isulong ang makabagong rebolusyong Pilipino hanggang tagumpay!


Theresa Magtanggol
Tagapagsalita

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento