Biyernes, Setyembre 24, 2010

Malakas at Tinatangkilik ng Mamamayang Catandungan ang Rebolusyonaryong Kilusan sa Catanduanes!


Theresa Magtanggol
Nerissa San Juan Command, New People's Army-Catanduanes
Setyembre 24, 2010

Hinggil ito sa ipinamamarali ng militar na mahina o naubos na nila ang mga kasama sa isla ng Catanduanes. Narito ang listahan ng mga labanan na militar ang mismong lumusob sa mga kasama:

1.Feb 19 - Maysuram, Caramoran - 4 ang napatay at 3 nasugatan sa hanay ng militar habang 1 lamang ang namatay sa NPA.

2.Marso 15 - Buenavista, Caramoran - 10 ang napatay sa militar samantalang 1 lamang ang sa NPA.

3.Abril 12 - San Miguel, Payo - 3 ang napatay sa militar samantalang ilang daplis lamang sa mga kasama

4.Hulyo 12 - Makutal, Baras - walang napatay sa magkabilang panig kundi baboy.

5.Agosto 3 - Sicmil, Gigmoto - 4 ang patay sa militar at wala man lang ni isa sa kasama

6.Agosto 12 - Mabel, Bagamanok - 2 ang napatay sa militar habang wala sa kasama.

Sa kabila ng mga kasinungalingang ito ng militar ay nakapalunsad naman ng sunud-sunod na taktikal na opensiba sa kaaway ang mga kasama na umabot sa 13 ang napatay kanila at 7 ang nasugatan.

Tsampyon din sa paggawa ng pantasyang kwento ang militar na mala-soap opera ang dating na marami na daw ang nag-sisuko na mga kasama at umanib na sa kanila. Ang katotohanan ay mga dati itong surrenderee na matagal nang umalis o pinaalis sa kilusan dahil sa mga katiwalian at mga paglabag sa patakaran ng kilusan.

Para sa kadahilanang ang ilang taong ito ang ginagamit na tagapagsalita ng militar na dati umanong kasama na tumalikod na sa mga prinsipyo ng kilusan ay narito ang mga totoong rason kung bakit sila umalis:

1. Ka Nonoy o Ricky- dinisiplina dahil sa bigamya o pagdadalawang-asawa

2. Ka Onad o Vicente Cristobal - dinisiplina dahil sa pambabae sa mga masang kababaihan

3. Ka Aboy o Pablo Tibar - may kasong rape sa kanyang pamangkin

Mahilig talaga ang militar na mamulot ng basura at gamitin sa kanilang mga paninira sa kilusan at sa sambayanang Pilipino na magiting na naninindigan at lumalaban para sa kanilang karapatan at kagalingan.

Ang buong katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan ay ang pagtataguyod ng militar sa ginagawang malakihang pagmimina at pagtatayo ng mga malalaking negosyo at logging concessions sa probinsya ng mga malalaking kapitalista na pabor lamang sa kanila. Dati na itong nailantad at nilabanan ng mamamayan sa pangunguna ng rebolusyonaryong kilusan na umabot pa nga sa pandaigdigan larangan.

Kaya atat na atat ang mga malalaking negosyante, konsesyonaryo at mga masisibang taga-gobyerno na malipol ang rebolusyonaryong kilusan sa isla dahil ito ang namumuno sa paglalantad at paglaban.

Tinatawagan din ang mga dating kasama na huwag magpadala sa mga panlilinlang ng kaaway. Gagamitin lamang kayo at itatapon katulad ni Ibo na kapag wala nang pakinabang at gagawing pambala sa kanyon na parang mga laruang robot na itinutulak sa unahan ng labanan. Alam ninyo na sa dami ng inyong nagawang mali ay nagawa pa rin kayong patawarin at tulungan ng Kilusan at pinilit lamang kayo ng kaaway sa una kaya pwede pa kayong magbago.

Tutulan at labanan ang malawakang pagwasak sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan sa isla!

Itigil ang militarisasyon sa isla! Isulong ang tunay na reporma sa lupa!

Mabuhay ang mga Catandungan at sambayanang Pilipino na magiting na lumalaban para sa kanilang mga karapatan!


Link:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2010/09/malakas-at-tinatangkilik-ng-mamamayang.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento